LALAKI INUTAS SA MGA UTANG

QUEZON – Bunsod ng umano’y mga pagkakautang na hindi nababayaran, pinagbabaril ng apat na kalalakihan ang isang lalaki sa Sitio Balsi, Brgy. Pagsangahan, sa bayan ng San Francisco, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ricky Verdida Aniban, 45, residente ng lugar.

Ayon sa report ng San Francisco police, dakong alas-3:00 ng hapon nang harangin ng suspek na isang alias “Gilbert”, kasama ang tatlo pang hindi kilalang lalaki, ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa.

Matapos patigilin, pinababa at pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay. Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang maybahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, matagal nang may alitan ang biktima at ang suspek na si “Gilbert” dahil sa mga pagkakautang ng una sa huli.

(NILOU DEL CARMEN)

110

Related posts

Leave a Comment