LALAKI ITINUMBA NG KAINUMAN

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang lalaki ang inuman ng magtropa nang barilin sa ulo ang biktima ng kanyang katagay sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Albert Set Toledo, nasa hustong edad, ng Brgy. Sabutan, Silang, dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Romeo Dela Cruz y Torres, 55, ng Brgy. Kaong, Silang, na tumakas makaraan ang pamamaril.
Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, nag-iinuman ang biktima at suspek dakong alas-10:20 ng gabi.

Ngunit nagtalo umano ang dalawa sa hindi batid na dahilan hanggang sa barilin ng suspek sa ulo ang biktima na agarang namatay.

(SIGFRED ADSUARA)

279

Related posts

Leave a Comment