LALAKI TINODAS SA PALO NG KAPWA SCAVENGER

MAKARAAN ang ilang araw, nalagutan ng hininga ang isang lalaki sa pagamutan matapos paluin ng kapwa scavenger sa Remegio Street, Barangay 332, Sta. Cruz, Manila kamakailan.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos ang biktima, habang mabilis namang nakaeskapo ang suspek na tinatayang 45 hanggang 50-anyos.

Unang iniulat ang insidente sa nasabing lugar, bandang alas-10:15 ng gabi noong Disyembre 2.

Agad nagresponde ang mga tauhan ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez Police Community Precinct, ngunit bigo silang matunton ang tumakas na suspek.

Noong Disyembre 7, dakong alas-10:35 ng gabi, nang malagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

(RENE CRISOSTOMO)

73

Related posts

Leave a Comment