LGU EMPLOYEE SA NEGROS ORIENTAL, PATAY SA NPA

NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang casual employee ng Guihulngan City Hall sa lalawigan makaraang pagbabarilin ng umano’y hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army noong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng Guihulngan City PNP, ang biktimang si Edmar Delosindo, 54, ay pinagbabaril ng tatlong mga suspek sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Mainit, Barangay Bulado.

Dead on the spot ang biktima matapos malapitang pagbabarilin habang nag-aayos ng kanyang sound system.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga suspek patungo sa bulubundukin at magubat na bahagi ng lugar.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, natagpuan walong basyo ng 5.56mm rifle na isasailalim sa ballistic examination.

Tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa pagpatay ang pagiging opisyal ng biktima sa isang livelihood association.

Ang biktima ay napag-alaman ding anak ng anti-communist group leader sa lugar.

(NILOU DEL CARMEN)

40

Related posts

Leave a Comment