LIBU-LIBONG deboto ang lumahok sa mga aktibidad kaugnay sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila kahapon.
Nagsimula ang prusisyon bandang alas-4 ng madaling araw na umikot sa ilang lugar sa Tondo.
Sa datos ng Manila Police District (MPD), umaabot sa higit 6,000 ang nakiisa sa prusisyon at walang naitalang anomang hindi inaasahang insidente.
Umaabot naman sa halos 20,000 ang nakiisa sa taunang “Lakbayaw Festival” habang marami rin ang dumalo sa ginanap na “Pailaw.”
Samantala, nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba.
Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga deboto ng Holy Child na mapagtagumpayan at pasiglahin ang socio-economic growth sa kanilang lungsod at mas i-develop pa ang pagpapaunlad sa industriya sa Cebu.
“To the millions of devotees, I urge you to translate your faith into action so that you may spread the message of hope, love and joy to others. Most importantly, always pray for spiritual strength and fortitude to overcome whatever challenges and difficulties that may lie ahead,” ayon sa Pangulo.
“Looking forward, I ask all of you to work hand in hand with this administration in maximizing all of the opportunities that will come before us in this New Year,” dagdag na pahayag nito.
Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga deboto na mangyaring gabayan sila ng kanilang pananampalataya at inspirasyon ng bayanihan spirit para manatili ang kamalayan ng kanilang “Catholic at social obligations” para makamit ang hinahangad na tadhana tungo sa “Bagong Pilipinas that opens a better and more abundant life for all Filipinos.”
(CHRISTIAN DALE)
108