Listahan binigay kay former ES Vic PAG-EPAL NI FL LIZA SA GOV’T APPOINTMENTS BISTADO

PINATOTOHANAN ng unang executive secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapel ni First Lady Liza sa appointments sa gobyerno.

Ayon kay former ES Vic Rodriguez, binigyan siya ng listahan noon ng pangalan ng mga taong nais ilagay sa posisyon ni FL Liza.

Nauna nang itinanggi ni FL Liza na sangkot siya sa pagtatalaga ng mga government official dahil trabaho aniya ito ng Pangulo.

Sinabi naman ni Rodriguez na mahihirapan ang Marcos admin na itanggi ang bagay na ito lalo’t hindi lang naman siya ang nakakaalam patungkol dito.

Kabilang umano sa mga ahensyang target lagyan noon ng ‘tao’ ng maybahay ni PBBM ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ilang pangalan na nasa listahan ay Mel Robles at Michael Ma.

Si Robles ang siya ngayong general manager ng PCSO na nalagay sa kontrobersya kamakailan dahil sa pinagdududahang dami ng mga nanalo ng Lotto jackpot.

Diumano, mahigit P2.4 bilyon na ang napanalunan sa loob lamang ng 11 lotto games simula Disyembre 2023 hanggang Enero 2024.

Sa gitna ng mga akusasyon na may ‘magic’ na nangyayari sa mga lotto draw, nagkaroon ng panawagan para hingin ang pagbibitiw sa pwesto ni Robles.

Kabilang sa mga ito si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nagsabing nawalan na ng kredibilidad si Robles.

Itinuturing ng mambabatas na “highly improbable and doubtful winnings” ang nangyayari sa lotto draw sa Pilipinas na agad napapanalunan ang jackpot prize.

Maging si Senador Imee Marcos ay pinuna ang dumaming jackpot winners sa lotto noong nakaraang taon na maaari aniyang pang-Guinness World of Records.

Pinuna rin ng netizens ang isang video message ni FL Liza na bumabati sa kaarawan ni Robles.

Dalawang ulit binanggit ng Unang Ginang ang salitang ‘Melyonaryo’ na ang una ay patungkol umano sa PCSO chief.

Si Robles, base sa mga ulat ay kabilang sa malalaking donor sa presidential campaign ni Marcos Jr., noong 2022 at naging Administrator ng Light Rail Transit Administration (LRTA) noong

panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

60

Related posts

Leave a Comment