LOCKDOWN SA KAMARA 1 WEEK EXTENDED

PINALAWIG pa ng isang linggo ang lockdown sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod nang patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

“We have decided to extend the lockdown by another week from January 10 to 16 as a precautionary measure to protect the health and safety of House members and employees in view of an alarming rise in COVID-19 cases in NCR and adjacent provinces,” ani House Speaker Lord Allan Velasco.

Unang ini-lockdown ang Batasan Pambansa Complex sa Quezon City mula noong Enero 4, 2022 hanggang kahapon, Enero 7 matapos magpositibo umano sa antigen test ang mahigit 50 empleyado ng kapulungan.

Nakatakdang bumalik sa trabaho ang Kongreso sa Enero 17, 2022 na kung saan tatlong linggo lang magtatrabaho ang mga ito dahil magsisimula na ang kampanya ng national candidates sa Pebrero 8.

“Only 20 percent of the workforce in each office in the House will be allowed to report for work starting January 17,” ayon kay Velasco hangga’t hindi nagno-normal ang kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Magpapatupad umano ang mga ito ng mas mahigpit na health protocols pagbalik ng mga ito sa trabaho upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at mga mambabatas.

Gayunpaman, tuloy ang trabaho ng natitirang 80% empleyado ng Kamara dahil magtatrabaho ang mga ito habang nasa bahay dahil idadaan sa virtual ang mga committee meeting, public hearing at maging ang sesyon. (BERNARD TAGUINOD)

334

Related posts

Leave a Comment