LOLO PATAY, 3 IBA PA SUGATAN SA TANKER

CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lolo habang sugatan ang tatlong iba pa na pawang riders, nang araruhin ng isang Isuzu tanker sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga.

Pawang isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang sina Luis Ligeralde y Silleza, 68; Martin Villanueva y Nibay, 55; Roselle Villanueva, 18; at Aljon Cebellina y Guillermo, 19, subalit idineklarang dead on arrival si Ligeralde.

Kinilala naman ang driver ng isang Isuzu Tanker na may plakang TQV 353, na si Godfrey Flores y Viacoles, 44, ng Brgy. Pulido, General Mariano Alvarez, Cavite.

Ayon sa ulat, pawang minamaneho ng mga biktima ang kani-kanilang motorsiklo sa kahabaan ng JP Rizal Ave., Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City ngunit pagtawid patungo sa direksyon ng Akle St., sakop ng Brgy. Kaybagal ng naturang Lungsod nang araruhin sila ng minamanehong Isuzu tanker ni Flores dakong alas-8:00 ng umaga.

Ayon sa driver ng tanker, nawalan siya ng kontrol sa manibela kaya nabangga niya ang mga rider na papatawid sa lugar na nagresulta sa pagkasugat ng mga ito at ikinamatay ni Ligeralde. (SIGFRED ADSUARA)

318

Related posts

Leave a Comment