MAGSASAKA NAHULOG SA PUNO NG MANGGA, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang magsasaka matapos na mahulog mula sa puno ng mangga sa Brgy. Sawang sa bayan ng Lobo sa lalawigan noong Linggo ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Ruben De Mesa, 56-anyos, matapos mabagok ang ulo sa pagkahulog.

Ayon sa report, dakong alas-4:00 ng hapon, nang akyatin ng biktima ang puno para putulin ang ilang sanga nito nang bigla itong mawalan ng panimbang.

Bumulusok ito at direktang bumagsak sa lupa na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

(NILOU DEL CARMEN)

43

Related posts

Leave a Comment