MAISUG RALLY SA BULACAN HINARANG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SINUSPINDE ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda sanang Maisug Peace rally kahapon sa Bustos, Bulacan upang maiwasan ang gulo.

Ito ay dahil umano sa matinding panunupil at panghaharang sa rally.

Noong Biyernes, idinaing ng organizers ng rally na nahirapan silang makakuha ng permit sa kabila na ang napiling venue ay isang pribadong lugar at naaayon sa Batas Pambansa BP880.

“Hindi po sila nagbigay ng permit. Ngayon kung ayaw nyo ho kami bigyan ng permit kami po ang gumagawa ng aming way para ipakita sa inyo na legal po ‘yung usapan namin ng may-ari, in fact private nga po ‘yun sir eh labas na po ‘yung government kaya lang kung may problema po tayo, para lahat tayo hugas-kamay lahat tayo malinis bigyan nyo nalang po kami ng explanation bakit ho nahihirapan kaming kumuha ng permit, kasi malinaw naman sa sinasaad Sir ng BP880 na hindi naman talaga namin kailangan ng permit,” ayon sa organizer.

Noong Miyerkoles inanunsyo ng TAPS Coalition ang Maisug Peace Rally sa Central Luzon na gaganapin sa bayan ng Bustos Bulacan.

“Kasi may pressure na naman, add on may tumawag dun sa may-ari kinabukasan at ang sabi pinipigilan pa rin at ang nakakalungkot may pressure na kung itutuloy baka balingan ‘yung properties nila,” ayon kay Verdel delos Santos, Regional Organizer, TAPS Coalition, Central Luzon.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inakusahan si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo na tinangkang pigilan ang Maisug rally sa Davao.

Sinasabing ang pagkabigo ni Lagdameo na mapigilan ang rally ang dahilan kaya nasuspinde si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

66

Related posts

Leave a Comment