MALACAÑANG NAGTALAGA NG PANSAMANTALANG PNP CHIEF

ITINALAGA bilang pansamantalang pinuno ng Philippine National Police si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang number 2 man ng 225 thousand strong police force.

Si Lt. General Peralta na miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991, nagsilbing pinuno ng PNP directorial staff at naging hepe ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Region, ay pansamantalang ihahali na nabakanteng pwesto ni Gen. Benjamin Acorda, na tuluyan nang nagwakas ang termino kahapon, Easter Sunday.

Base sa lumabas na memorandum mula sa Office of the President, na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, si Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta ay itinalaga bilang PNP Officer in Charge.

Una nang umugong ang balitang muling palalawigin pa ang tour of duty ni Gen. Acorda subalit binawi rin agad umano ang nasabing plano.

Matatandaan, pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang termino ni Acorda hanggang Marso 31 mula sa nakatakda sanang pagreretiro nito noong Disyembre 3, 2023 nang sapitin ang mandatory retirement age na 56-anyos.

Ayon sa memorandum, si Peralta na Mistah din ni Gen Acorda, ay mananatiling OIC “until a replacement is appointed or until otherwise directed by this Office.”

Ilan sa naging matunog na posibleng papalit sana sa nabakanteng posisyon ni Gen. Acorda ay kinabibilangan nina Lt. Gen. Peralta; PNP-National capital regional Police Office chief Major General Jose Melencio Nartatez Jr.; PNP Directorate for Operations Chief Police Major General Ronald Lee; Directorate for Comptrollership Chief Police Major General Jose Francisco Marbil, at Special Action Force Director Police Major General Bernard Banac; Brig Gen. Mathew Baccay, Deputy Directorate for Personnel and Records Management; at Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management.

Hanggang kasalukuyang wala pa umanong napipisil si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na maaaring pumalit kay PNP chief, General Benjamin Acorda.

(JESSE KABEL RUIZ)

176

Related posts

Leave a Comment