MARCOS NAGPAPAGAMIT SA AMERIKA SA WPS ISYU

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa administrasyon ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag magpagamit sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng senadora na walang ibang makatutulong sa Pilipino kundi tayo-tayo rin partikular sa problema sa ating teritoryo.

Aminado rin ang mambabatas na hindi pa kakayanin ng bansa na tapatan ang superpower na China.

Kaya iminumungkahi ng senadora sa Pangulo na palagiang buksan ang linya ng komunikasyon sa iba’t ibang level sa pagitan ng Pilipinas At China.

Naniniwala ang mambabatas na labis ang galit ng China sa Pilipinas simula nang pagbigyan ang sangkaterbang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa bansa.

Una rito, sinabi ni Senator Marcos na wala siyang nakikitang mali sa pakikipagkasundo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay sa usapin ng BRP Sierra Madre at sa WPS.

Ayon sa senadora, praktikal lang ang dating Pangulo dahil ayaw niya ng gulo sa nasabing rehiyon.

(DANG SAMSON-GARCIA)

292

Related posts

Leave a Comment