MOTORCYCLE RIDER TUGIS SA PAMAMARIL

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang motorcycle rider na nakasagi sa isang lalaki na nauwi sa mainitang pagtatalo at humantong sa pamamaril sa huli sa Bacoor City noong Linggo ng gabi.

Isinugod sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Marvin John Anas y Urdelas, nasa hustong edad, dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan ngunit hindi umabot nang buhay.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na nakamotorsiklo at armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril at tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa Sitio Wawa Zapote, Bacoor City dakong alas-11:00 ng gabi nang nasagi ito ng motorsiklo ng suspek na bumabagtas sa nasabing lugar.

Sinita ng biktima ang suspek subalit imbes na humingi ito ng paumanhin ay nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa naglabas ito ng ‘di nabatid na kalibre ng baril at binaril si Anas.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

(SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment