MS. RODRIGUEZ NG ACT AGRI-KAAGAPAY, NAGPAKAIN NG LIBU-LIBONG DEBOTO NG BLACK NAZARENE

LIBU-LIBONG deboto ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ang pinakain at pinainom ng presidente ng Act Agri Kaagapay Organization na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez.

Dalawang araw na namigay ng tubig, pagkain, pansit, puto at tinapay si Ms. Rodriguez sa mga deboto ng itim na Nazareno.

Inikot ni Ms. Rodriguez ang mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo para ipamigay ang kanyang dala-dalang pagkain sa bawat masalubong niyang deboto.

Tinatayang nasa 25 libong deboto ang kanyang napakain.

Aniya, taon-taon niyang ginagawa ang pagpapakain ng mga deboto bilang pagbabahagi ng kanyang blessings na natatanggap sa mula sa Panginoon.

“Sa aking maliit na kakayanan ay napawi ko ang pagod at hirap ng mga deboto na nagpuyat para makasama sa prusisyon ng itim na Nazareno,” ani Ms. Rodriguez.

Lubos naman ang kagalakan ng mga deboto na nabigyan ng pagkain ni Ms.Rodriguez.

Si Ms. Rodriguez ay matagal nang tumutulong sa mga less fortunate na mga kababayan.

Itinatag niya ang Act Agri Kaagapay Organization para mas marami pa ang kanyang matulungan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagsimula sa Binondo, sumunod sa iba’t ibang panig ng Metro Manila hanggang sa Visayas at Mindanao ay marami nang natulungan si Ms.Rodriguez.

Si Ms. Rodriguez ay dating Reporter na ngayon ay negosyante at pilantropo.

Siya rin ang author ng librong “Leave Nobody Hungry” na ngayon ay ginagamit na reference ng mga agricultural student at mga magsasaka ang kanyang “inputs” hinggil sa pagpapalaganap ng organic farming sa bansa.

204

Related posts

Leave a Comment