NA-IMPOUND NA E-BIKES IBABALIK NG MMDA

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanselahin ang mga ticket at ibalik ang mga na- impound na e-bikes at e-trikes.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA at mga lokal na pamahalaan na bigyan ng “one month grace period” ang e-bikes at e-trikes kaugnay ng pagbabawal sa kanilang dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila.

Ipinalabas ng Pangulo ang kautusan ilang araw na ang nakalipas nang ipatupad ang implementasyon ng ban sa 20 national roads sa Metro Manila.

“Pinag-aaralan po natin na gawing retroactive yung kanyang direktiba o utos,” ayon kay MMDA chairperson Romando Artes.

“Pero kailangan lamang po naming aralin yung mechanics dahil naka-issue na kami ng ticket dito at may proseso po yung pagre-release ng mga impounded vehicle,” dagdag niya.

“As of Wednesday”, sinabi ng MMDA na 201 motorista ang nahuli at 69 sasakyan naman ang na-impound dahil sa paglabag sa ban.

(CHRISTIAN DALE)

40

Related posts

Leave a Comment