NIGERIAN NASAKOTE SA HIT AND RUN

HINDI nakaporma ang isang Nigerian national na suspek sa insidente ng hit and run, nang makorner matapos na tinangkang tumakas ngunit nadakip ng nagrespondeng mobile patrol sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa RA 4136 (driving without license), ang suspek na si alyas “Chibuike”, isang Nigerian national.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mobile patrol ng General Trias City Police hinggil sa isang pulang Hyundai Accent na may plakang UIR 562, na minamaneho ng suspek, na sangkot umano sa hit and run sa ibang munisipalidad at namataan sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod.

Tiyempong nagsasagawa ng pagpapatrolya ang San Francisco COMPAC Patrol sa lugar at namataan ang nasabing sasakyan kaya pinara nila ito subalit imbes na tumigil ay pinasibad nito ang sasakyan.

Makaraan ang habulan ay nakorner ng mga awtoridad ang suspek sa

Malabon bridge, gayunman ay sinikap pa rin ng driver na tumakas at tinangkang sagasaan ang isang miyembro ng patrol group, subalit naaresto bandang alas-3:00 ng hapon.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment