P1K to P3,500 multa sa late filing LAST DAY NG SOCE FILING SA COMELEC DINAGSA

NAGKAROON ng bahagyang tensyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Manila nang dumagsa ang mga kandidato sa huling araw ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing noong Miyerkoles, Nobyembre 29, 2023.

Umalma at nagulat ang libu-libong kandidato ng chairman at kagawad sa BSKE 2023 Elections sa anim na distrito ng Maynila, na halos limang oras naghintay sa pila, nang ianunsyo umano ng Comelec na kung hindi aabot sa deadline na itinakda ng poll body, sa main office sa Intramuros na lang pumunta sa sunod na 15-araw pero may multang P1,000 hanggang P3,500.

Init at gutom ang inabot ng mga kandidato sa walang sistemang ipinatupad ng Comelec na umano’y balak pang pagkakitaan ang mga talunang kandidato.

Mabilis na nagprotesta kahit nasa pila kaya naman walang malamang gawin ang mga tauhan at staff ng election body kundi pakalmahin ang nag-alburutong mga kandidato.

Magugunitang inihayag ng tagapagsalita ng Comelec na hindi pinalawig ang deadline para sa paghahain ng SOCE.

Lahat ng nanalo at natalong kandidato sa BSKE 2023 ay inatasan na magsumite ng kalkulasyon ng kanilang ginastos.

Dapat aniyang aksyunan ang higit gumastos sa itinakdang limitasyon ng poll body na P5 piso bawat botante.

(JULIET PACOT)

116

Related posts

Leave a Comment