P3.5M- SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA BACOOR

CAVITE – Umabot sa mahigit P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City at Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Nasamsam ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si alyas “King”, 37, habang 25 gramo naman ang nakumpiska mula sa suspek na si alyas “Ford”.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station- Drug Enforcement Team, lead unit, at Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), sa Brgy. Talaba 1, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto kay King.

Nasamsam kay King ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400,000.

Sa Dasmariñas City, Cavite, nagsagawa naman ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PDEU Cavite PPO at Dasmariñas CCPS sa Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ford dakong alas-9:00 ng gabi.

Nakumpiska kay Ford ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000.

(SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment