P303-M PONDO PARA SA ADDITIONAL 120 CLASSROOMS APRUB NA SA DBM

ASAHAN na ng mga mag-aaral at guro ang maitatayong karagdagang silid-aralan makaraang aprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd) na maipalabas ang halagang P303.5 milyon para sa konstruksyon ng 120 silid-aralan sa 21 lugar sa bansa.

Kasabay nito ang pagbibigay-diin ni Secretary Pangandaman sa pangangailangan na palakasin ang sektor ng edukasyon bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng social at human development.

“Education is a chance for every Filipino to improve his or her quality of life. Education empowers us to achieve genuine prosperity as well. But it is also a shared responsibility to work together for the country to achieve complete economic healing and recovery. Let us continue to invest in education,” pagdidiin ng Budget Secretary.

Ipinunto rin ni Secretary Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paghusayin ang mga pasilidad ng edukasyon upang makalikha ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng lahat ng mga estudyante, kabilang ang mga nasa malalayo at mahirap abutin na mga lugar.

(CHRISTIAN DALE)

118

Related posts

Leave a Comment