PAGBAGSAK NG MARCOS POSIBLENG MAULIT – PANELO

Spokesperson Salvador Panelo-3

MISTULANG binalaan ni Atty. Salvador Panelo ang administrasyong Marcos Jr. na posibleng maulit ang pagpapatalsik dito sa Malakanyang tulad ng sinapit ng kanyang ama.

Sa isang panayam sa SMNI, sinabi ng nagsilbing Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ng administrasyong Duterte, halos may pagkakatulad sa sitwasyon noon ang nangyayari sa kasalukuyan kaya hindi malayong gawin din ng taumbayan ang pag-aalsa laban sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Yung nangyari sa nasirang Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay maaaring mangyari uli. Magkaroon ng upheaval because at that time there was perceived corruption, there was perceived massive economic problems na hindi nagawan ng paraan. Plus yun tinatawag na rebelyon, matindi at ginawang pagsira sa ating sistemang pampulitika at ekonomiya at nagkaroon nga, tama man o mali, ang pananaw noon ay dapat palitan ang nasirang Marcos Sr. ay ngayon there appears to be a creeping discontent,” paliwanag ni Panelo.

Samantala, sa ginanap na prayer rally nitong Linggo sa Cebu City laban sa isinusulong na Charter change, na dinaluhan ng tinatayang may 30,000 katao, pinuna ni Davao City Mayor Baste Duterte ang administrasyong Marcos Jr. na pagpapahaba ng termino ang inaatupag.

Ito umano ang dahilan kaya ipinipilit ang Cha-cha sa pamamagitan ng People’s Initiative o PI.

Suot ang puting damit na may mga katagang “Cebuanos are Not for Sale” o “Filipino are not for Sale”, bumuhos ang mga tagasuporta ng mga Duterte sa Kasadya sa South Road Properties Grounds sa Cebu City.

Suportado umano nila ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagtutol sa PI.

Nagsagawa rin ng motorcade ang mga taga-Cebu.

Sa kanyang pananalita, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pwedeng humigit sa isang termino o anim na taon ang panunungkulan ni Marcos Jr. kasama ang mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, sakaling maamyendahan ang Saligang Batas.

Kasunod ito ng pag-amin na hindi siya tutol sa economic Cha-cha.

“Ako musuporta ko, I mean I would support any changes in the Constitution that would enhance, improve, or whatever would make the Filipinos happy, I am for it. Walay problema. Basta wala lay musulod nga interes para ugma nila,” ayon sa matandang Duterte.

Paalala nito kay Marcos, huwag gawin ang nangyari noon sa panahon ng kanyang tatay na inamyendahan ang konstitusyon, kung saan umabot sa 2 dekada ang pananatili nito sa kapangyarihan.
Pero nilinaw naman ni Duterte na wala itong problema kay Marcos.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

51

Related posts

Leave a Comment