PAGHIMAY SA PRANGKISA NG NGCP IKINAKASA

NAIS ni Senador Raffy Tulfo na i-convene ang Joint Congressional Energy Commission (JCEC) upang rebyuhin ang mga posibleng amendment o pagkansela sa prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ay kasunod ng isinagawang hearing ng Senate committee on energy kaugnay sa sinasabing paulit-ulit na kapalpakan ng NGCP at hindi nito pagganap sa mga responsibilidad at obligasyon sa pagpapatakbo ng power grid ng bansa.

Sa pagdinig ng Senado noong Enero 10, sinabi nina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Gov. Arthur Defensor at Guimaras Gov. Joaquin Nava na apektado ang mga kritikal na establisimyento sa kanilang lalawigan dahil sa blackout. Ang masama pa, sinabi nilang bilyon-bilyong piso ang nawala sa kanilang ekonomiya dahil sa lapses ng NGCP.

Sinabi ni Tulfo na ang mga consumer ang nagdurusa sa collateral cost sa mga electric utilities dahil sa mga kamakailang insidente.

Binanggit din ni Tulfo na kabilang sa lapses ng NGCP ay ang kawalan nito ng napapanahong information dissemination sa mga ahensya ng gobyerno tungkol sa patakaran at regulasyon, pati na rin ang kakulangan sa pakikipag-ugnayan sa mga immediate stakeholders tulad ng electric utilities.

Dahil kuwestiyonable na anya ang kredibilidad ng NGCP bilang grid operator, muling iginiit ni Tulfo na oras na para kanselahin ang prangkisa nito.

(DANG SAMSON-GARCIA)

41

Related posts

Leave a Comment