ILANG PNP OFFICIALS GAMIT SA MULTI-MILLION PAYOLA

BALYADOR ni RONALD BULA

MARAPAT lang na paimbestigahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang tungkol sa talamak na pangongolekta ng “payola” ng mga kolektong sa mga operator ng illegal gambling gamit ang ilang matataas na mga opisyal ng kapulisan.

Hindi lamang ito direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602, ng mismong mga tagapagpatupad ng batas.

Saan mang lupalop na lugar sa ating bansa ay lantaran ang operasyon ng ilegal na sugal na sa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayusan na umiiral.

Ang masaklap, mismong ang matataas na mga opisyal ng PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay ng proteksyon sa gambling operation.

Nangunguna sa listahan ng mga illegal gambling ay itong jueteng, e-sabong, masiao, sakla, peryahan ng bayan o EZ2, lotteng at mga peryahan na may sugal.

Lahat ng mga ‘yan ay alam ng nakaupong hepe ng pambansang kapulisan na si Police General Benjamin Acorda Jr.

Pero mismong si General Acorda ay inutil vs illegal gambling operations na ito.

Mistulang bulag, pipi at bingi si Acorda laban sa mga organisadong sindikato ng ilegal na sugal na protektado ng mga opisyal niya na dino-Diyos ng gambling operators.

Kahit saang lupalop ka dumako ay lantaran ang presensiya ng ilegal na mga sugal particular sa CALABARZON

Abala sa pangongolekta ng “goodwill money” at lingguhang payola sina alyas “Chan”, “John-John”, “Palagañas”, “Ronald Adlawan”, “Jack Malinao”, “Rico Malanget” at isang alyas “Dela Cruz” na umano’y nagpapakilalang mga sagradong bata sila ng STF, SOU at CIDG CRAME, gamit ang pangalan ni CIDG Director PMaj. Gen. Romeo Caramat.

Hindi rin nagpapatalo sa pag-iikot para mangolekta ng goodwill money at weekly payola ang pahirap na mga engkargado ng PNP na nagpapakilalang mga pulis gaya ni alyas “Delfin Parak” na may mga kolektong na sina alyas “Raniel”, “Patrick”, at “Mercado” gamit ang pangalan ni PNP Regional Police Office 3 General Jose Hidalgo Jr.

Sobrang abala rin ang mga engkargado ng PNP na nagpapakilalang mga pulis itong sina alyas “Billy” at “Nestor” gamit ang pangalan ni PNP-CORDILLERA PBGEN. David Peredo Jr.

Matataas ang mga ranggo sa PNP ang idinadawit ng nagpapakilalang mga BAGMAN na involved sa kotong activity at proteksyon sa illegal gambling.

Kaya siguro naging inutil si General Acorda dahil sa masamang sistemang umiiral ngayon sa hanay ng PNP.

In fairness sa nabanggit na PNP officials, kilala nating matino ang mga ito lalo na si General Acorda.

Samantala, patuloy rin ang talamak na ilegal na sugal sa MIMAROPA Region na kahalintulad sa nabanggit na mga sugal partikular sa Oriental Mindoro.

‘Wag bibitiw, may kasunod pa ito!

@@@

Para sa suhestiyon at reaksyon, tumawag sa 09397177977 / 09368625001 o ‘di kaya mag-email sa balyador69@gmail.com

47

Related posts

Leave a Comment