TINABLA ng mga political leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Vice President Sara Duterte na kumontra sa peace talks ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mga rebeldeng grupo na kanyang inilarawan bilang “agreement with the devil”.
Sa joint statement, nagkaisa ang mga lider ng Nacionalista Party (NP), Lakas-CMD, National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), Nationalist People’s Coalition (NPC) at Partido Navoteño na suportahan si Marcos na ituloy ang peace talks sa mga rebeldeng komunista na itinigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.
“We acknowledge the diverse perspectives and ideologies within our ranks, yet we stand together in our commitment to the greater good of the Philippines. This unity in purpose reflects the strength of our democracy and the resilience of our nation,” ayon sa joint statement ng mga lider ng nabanggit na political parties.
Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na walang dapat ikatakot sa peace talks lalo na’t malakas aniya ang sandatahang lakas at malabong maagaw ng mga rebeldeng grupo ang gobyerno.
“Ano ang ikababahala natin kung alam natin na nasa pamahalaan ang tiwala ng bayan? Tama na ang digmaan. Pagod na ang ating mamamayan sa kaguluhan. Bigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan,” ayon pa sa lider ng Kamara.
Umapela rin ang mga ito sa sambayanang Pilipino na suportahan ang peace talks dahil ito lamang ang paraan para tuluyang magkaisa ang sambayanan at makamit ang kapayapaan sa bansa.
Sa pamamagitan aniya ng seryosong negosasyon sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo ay mareresolba ang ugat ng rebelyon sa bansa at matigil na ang hidwaan dahil hindi ito nakakabuti sa bansa.
“It is alarming that the Vice President has labeled the government’s recent statement with the NDF in Oslo as an ‘agreement with the devil’ and has expressed opposition to the grant of amnesty to former rebels. These statements reflect a lack of understanding of the complexities of the peace process and a disregard for the aspirations of the Filipino people for just and lasting peace,” ayon naman kay ACT party-list Rep. France Castro ng Makabayan bloc.
Hindi rin nagustuhan ni Castro ang pag-aasta ni Duterte na Pangulo at tila mas gusto nito na ang mga Pilipino ay magpatayan tulad nang nangyari sa anim na taong pamumuno ng kanyang ama sa bansa.
(BERNARD TAGUINOD)
114