KINATIGAN ng Korte Suprema ang pagkumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang barge na naglalaman ng ilegal na ‘used oil’ sa Port of Surigao noong 2012.
Ayon sa BOC, pinagtibay ng SC ang kanilang desisyon noong Disyembre 20, 2012 at resolusyon ng Department of Finance noong Hunyo 17, 2013, na kumpiskahin ang barge na “Cheryl Ann” sa kabila ng apela ng may-ari nitong Gold Mark Sea Carriers Inc.
Sa 11-pahinang desisyon ng SC, ang paggamit ng naturang barge na naglalaman ng ipinagbabawal na cargo na ‘used oil’, at walang kaukulang ‘importation permit’ ang dahilan ng pagkumpiska nito ng BOC base sa Section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).
Sa rekord, inarkila ng may-ari ng cargo ang barge para ibiyahe ang walang dokumentong ‘used oil’ mula Republic of Palau at pumasok ng Philippine port. Nang isailalim sa pagsusuri, natuklasan na walang dokumento ang cargo nito kaya kinumpiska base sa batas.
“As it was, Gold Mark failed to adduce other evidence to disprove its knowledge and participation in the unlawful importation of the cargo owner,” ayon sa BoC.
Pinasalamatan ng BoC ang Office of the Solicitor General sa pagbibigay ng tulong at pagrepresenta sa BOC sa naturang kaso hanggang sa kanila itong maipanalo. (RENE CRISOSTOMO)
105