PAGLUNDAG NG 2 TSINO SA VAN, HAGIP NG CCTV

HAGIP ng close-circuit television (CCTV) camera ang aktwal na paglundag kahapon ng dalawang Tsino mula sa isang tumatakbong van sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Bagamat kapwa ligtas na sa kapahamakan bunsod ng mga natamong sugat, nananatili namang blangko pa din ang Quezon City Police District (QCPD) ang dahilan sa likod ng buwis-buhay na pagtalon ng mga biktima sa tumatakbong sasakyan.

Paniwala ng mga rumespondeng pulis at kawani ng barangay public safety officers, hindi nakakapagsalita o nakakaunawa man lang ng wikang ingles at tagalog ang mga nasabing dayuhang ayon sa mga saksi ay tumalon mula sa bintana ng Hyundai County Deluxe van na minamaneho ng isang Jesus Mones.

Pag-amin ni Mones, sakay niya ang dalawang biktimang lumundag sa minamaneho niyang sasakyan, kasama ang 20 iba pang Chinese nationals sinundo niya mula sa Pampanga.

Kwento ng isang ohn Christopher Ortiz, responder ng Barangay Tatalon, namonitor ng mga rumorondang barangay tanod at Barangay Peace and Order Brigade ang pagtalon ng mga lalaki.

Paniwala ng pulisya, mga POGO workers ang sakay ng naturang van. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente. (LILY REYES)

246

Related posts

Leave a Comment