PAGNINILAY SA ASH WEDNESDAY APELA NI PBBM SA MGA KATOLIKO

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Katolikong mananampalataya na magnilay at sumalamin sa pagdiriwang ng Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo.

”In observing Ash Wednesday, let us all reflect and renew our faith,” ayon kay Pangulong Marcos sa caption sa kanyang larawan na nagpapakita na mayroon siyang ‘abo’ sa kanyang noo.

May ilang Katolikong Pilipino ang maagang pumunta sa mga simbahan kahapon at nagpalagay ng abo sa kanilang noo bilang tanda ng pagsisimula ng 40-day Lenten season.

Araw ng Martes, ang palaspas o palm fronds na ginamit sa Palm Sunday noong nakaraang taon ay sinunog ng iba’t ibang Simbahan.

Ang abo na nakolekta mula sa ritwal ang ginagamit at pinapahid sa noo ng churchgoers sa Ash Wednesday.

(CHRISTIAN DALE)

52

Related posts

Leave a Comment