PAGPAPALIBAN SA 2025 BSKE ISINULONG SA KAMARA

INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataang Election sa susunod na taon.

Ang mga kasalukuyang barangay at SK officials ay kahahalal lang noong December 2023 at muling isasagawa ang BSKE sa December 1, 2025.

Gayunpaman, nais ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa kanyang House Bill (HB) 10344 na ipagpaliban ang eleksyon hanggang October 2026 dahil dalawang taon lang umano manunungkulan ang mga incumbent barangay at SK officials.

Magugunita na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Republic Act (RA) 11935 o pagpapaliban ng eleksyon na unang itinakda noong December 5, 2022, sa halip gawin ito noong Oktubre 2023.

Dahil dito, nagkaroon ng BSK election noong December 5, 2023.

Ipinaliwanag ng mambabatas na nakasaad sa Saligang Batas na tatlong taon manunungkulan ang barangay at SK officials.

“It likewise ‘diminishes the obligations of the incumbent BSK officials to serve their constituents, and lessens their accountabilities in the exercise of the power vested in them by the people’s free choice’ if they shall serve for only two years,” ayon pa sa kongresista.

(BERNARD TAGUINOD)

59

Related posts

Leave a Comment