LUBHA na namang nabahala ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pag-atake ng deadly virus sa bansa kaya pinayuhan ang publiko na maging maingat at magsuot ng face mask.
Sa bagong ulat ng national case bulletin ng kagawaran, tumaas ng 1,825 ang bagong kaso ng COVID-19 mula Disyembre 5 hanggang Disyembre 11, 2023.
Mas mataas ito ng 36 percent kumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang December 4, nitong taon.
Nasa 260 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo.
May 13 katao ang naitalang malubha o kritikal habang 13 katao naman ang pumanaw.
Noong December 10, mayroong 228 patients ang kritikal ang kalagayan sa mga ospital sa buong bansa dahil sa deadly virus.
Bunsod ng mga insidente, muling nagpalabas ng advisory ang DoH sa publiko bilang paalala na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at boluntaryong magsuot ng face mask para makaiwas sa ibang sakit.
(JULIET PACOT)
