PAGTAAS NG MALAMPAYA PRICES KAILANGAN SILIPIN

KAILANGAN silipin ang pagtaas ng presyo ng Malampaya sa paggalaw ng bayarin na ipapataw ng Meralco.

Ayon ito sa isang observer matapos kwestyunin ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung nagkaroon ba ng kumpirmasyon kung tama ang singil ng suppliers ng Meralco kasunod ng anunsyo nito ng dagdag-singil ngayong buwan.

Ayon sa ulat, dahil sa mataas na generation charge ang pagsipa ng singil, partikular ang presyo ng Malampaya gas prices na hindi pa pala nagkakaroon ng tamang validation.

Pumasok kasi sa bagong kasunduan na tinatawag na Gas Sale and Purchase Agreement (GSPA) ang mga natural gas plants ng First Gen sa Malampaya consortium na pinangungunahan ng Prime Energy.

Ito ang itinuturong isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng pagtaas. Mayroon pang ibang aspeto, kagaya ng mas mahal na imported liquefied natural gas (LNG) na ginagamit din ng mga planta ng First Gen.

Abswelto na sila sa presyo ng LNG dahil ang basehan ay aktwal na singil sa Meralco pero hanggang ngayon, walang paliwanag kung bakit tumaas naman ang presyo ng Malampaya gas.

Giit ng Meralco, humingi na ito ng kopya ng GSPA at sinabi na rin ito ng kumpanya sa ERC pero hindi agad naibigay ang kopya ang kontrata.

Paalala ng ERC, i-validate ang presyo bago singilin pero maging ang komisyon, walang malinaw na ideya kung bakit tumaas ang presyo ng Malampaya gas.

Kailangan na ring makialam ng ERC para protektahan ang konsyumers. Obligasyon ng ERC, Meralco at mga generation company na masigurong tama ang singil sa kuryente.

Bilang regulator, kayang-kaya din namang sumulat ng ERC sa First Gen at sa Malampaya consortium para ipaliwanag ang pagtaas sa presyo ng Malampaya gas prices.

(JOEL O. AMONGO)

60

Related posts

Leave a Comment