NAWAWALA SA LANDSLIDE SA DAVAO DE ORO, 38 PA

BUMABA na sa 38 ang nawawala sa landslide sa Masara sa Maco, Davao de Oro.

Ito ay matapos makarekober pa kahapon ng 14 a bangkay ang search and retrieval team.

Ayon sa Maco MDRRMO, hanggang 4:00 ng hapon nitong Miyekoles, umabot na sa kabuuang 85 dead bodies ang nakuha mula sa ground zero.

Anim sa mga narekober ay mga bahagi na lamang ng katawan makaraan ang walong araw na pagkalibing sa lupa mula sa gumuhong bundok.

Nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala matapos mag-shift ang operation ng reponders mula sa search, rescue and retrieval papunta sa search and retrieval operation na lamang dahil ipinapalagay ng mga awtoridad na wala nang makukuhang buhay sa landslide makalipas ang mahigit isang linggo mula nang maganap ang trahedya.

Sa kabuuan ng search and rescue operation, 3 lamang ang nakuhang buhay mula sa guho kabilang ang isang lalaki na naiahon mula sa natabunang bus, 3 taong batang babae at isa pang bata.

Samantala, naging maramdamin ang ginawang mass burial sa mga labi ng nasa 17 biktima na pansamantalang inilagak sa sementeryo sa bayan ng Mawab at Generoso nito ring Miyerkoles.

Sa Mawab, sinaksihan nina Davao de Oro Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga at Congressman Ruwel Peter Gonzaga ang paglilibing sa siyam na biktima.

Naroon din si Mawab Mayor Ruperto Gonzaga at Maco Mayor Arthur Carlos Voltaire Rimando.

(NILOU DEL CARMEN)

65

Related posts

Leave a Comment