PAGKAKAISA MENSAHE NI PBBM SA EID’L FITR

PAGKAKAISA ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng magkakaibang paniniwala at pilosopiya ng mga Pilipino habang nakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa ibang bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast kahapon.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa kanyang written message na ipinalabas ng Office of the President (OP), ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang para sa “spiritual renewal” ng mga Muslim matapos ang month-long observance ng Ramadan na may pagdarasal, sakripisyo at pagdurusa.

“Truly, the Festival of Breaking the Fast marks not only the culmination of Ramadan, but also the rededication of one’s journey towards a more disciplined, dignified, and gracious life,” ayon sa Pangulo.

Umaasa naman ang Pangulo na mananaig ang pagkakaisa at pagdamay sa kabila ng magkakaibang paniniwala ng mga Pilipino.

Ang Pilipinas, isang bansa kung saan nakararami ang Kristiyano ay tahanan ng 7 milyong Muslim, mayorya ay mula sa Mindanao.

(CHRISTIAN DALE)

51

Related posts

Leave a Comment