PANANAHIMIK NI ROMUALDEZ SA OKADA ISSUE PINUNA NG NETIZENS

HINDI man mainit na balita sa kasalukuyan ang pagkakadawit ni Speaker Martin Romualdez sa Okada case, nagpakita ng interes ang mga netizen kaya mababasa sa social media ang kanilang mga saloobin hinggil dito.

Ipinagtataka rin maging ng Filipino economist, columnist na si Solita Monsod kung bakit tila hindi interesado ang mainstream media sa nasabing usapin.

“Why is there a news blackout on Sp. Martin Romualdez’ involvement in the Okada case? It was filed in the US, for heaven’s sake- Bloomberg and Japan Times picked it up,feat. Romualdez and not in a good way. But our major print/broadcast media orgs are quiet!,” tweet ni Monsod.

Nauna nang iniulat ng SAKSI Ngayon ang pagkakadawit ni Romualdez sa umano’y suhulan sa Manila casino.

Base sa ulat na inilathala ng Japan Times, lumapit umano ang mga opisyal ng Japanese entertainment company na kasalukuyang may ‘merger fight” sa Manila casino resort, sa isang Filipino legislator upang tulungan silang muling makuha ang kontrol sa property, ayon sa isang special purpose acquisition company na inasunto ang Universal Entertainment.

Sa inihaing kaso kamakailan sa Delaware Chancery Court, sinabi ng SPAC, 26 Capital Acquisition, na ang Universal executives ay nagdala ng “heavy luggage” nang makipagpulong kay Romualdez upang makuha ang suporta nito sa nasabing legal dispute. Sinikap umano nitong muling makuha ang control sa 40-hectare Okada Manila resort and casino, na nagkakahalaga ng $2.6 billion.

Kabilang sa iprinisinta sa inihaing reklamo ang emails na ayon sa 26 Capital ay nagpapakita kung paanong lumipad ang executives mula sa Japan upang makausap si Romualdez para humingi ng tulong para matiyak na makumbinsi nito ang Supreme Court ng Pilipinas na maisulong ang kanilang interes.

Sinabi ng mga abogado ng SPAC na kabilang sa maling ginawa ng Universal ay “potential bribery of government officials followed by efforts to run the deal clock out before such activity comes to light.”

Hindi naman nagbigay ng kanyang komento si Brad Davey, isang Wilmington-based lawyer ng Universal’s Tiger Resort unit, hinggil sa alegasyon. Hindi rin sumagot si Romualdez sa email na ipinadala sa kanya hinggil sa isyu.

Ang SPACs ay bumibili ng mga kompanya mula sa makukuha nilang investment money. Agad silang umunlad mula sa masalimuot na financial world patungo sa investing craze bago isinailalim sa pagsisiyasat ng gobyerno.

Inilunsad ni Jason Ader, CEO ng SpringOwl Asset Management, ang 26 Capital para maisama ito sa resort at makakuha ng ‘listing’ sa property.

Ang nasabing kasunduan ay nasira, kaya naman kinasuhan ng SPAC ang Universal upang maayos ito. Si Ader, isang beteranong industry analyst na nakaupo sa board ng Las Vegas Sands, ay nagbigay ng testimonya na ang Universal ay nagsimulang isabotahe ang transaksyon noong 2022. Idineklara ng Universal na ‘the merger dead on June 30.’

Ang alitan ay kinasasangkutan ng $275 million investment ng 26 Capital sa nasabing resort and casino.

Nagkagulo sa Universal at units na nagma-manage sa casino nang kanilang founder, na si billionaire Kazuo Okada, ay napatalsik mula sa board noong nakaraang taon.

Nakuha ni Okada ang control sa property makaraang ibalik sa puwesto ng Philippine Supreme Court ang bilyonaryo, bilang chairman ng operator ng casino, ang Tiger Resort Asia, isang Universal unit.

Ito ay nagbunsod sa Universal executives na gumawa ng paraan na muling makuha ang control sa casino, ayon sa alegasyon ng SPAC.

Hindi umano naabisuhan ang mga opisyal ng SPAC hinggil sa “July 2022 top-secret heavy-luggage mission,” pahayag pa ng mga abogado ni Ader.

Ang kaso ay dinidinig sa Delaware kung saan ang 26 Capital ay incorporated.

Kaugnay nito, naglabas na ng kanilang opisyal na pahayag ang Universal Entertainment Corp. na pinabubulaanan ang mga kontrobersyang ikinakabit sa kanilang kumpanya maging ang pagkakadawit ni Romualdez.

Bunga lamang umano ito ng galit, kasakiman at pagiging desperado ng isa nilang investor.

Gayunman, dahil sa kawalan ng pahayag ni Romualdez ay nagkaroon ng kani-kanyang ideya ang mga netizen hinggil sa usapin.

Narito ang ilan sa mga komento:

Oddie Cunanan:
Hoy Romualdez sangkot kabraw sa bribery case ng Okada ser?

White Deer:
Paano nabanggit ang name niya ất ang president sa OKADA bribery accusation sa Delaware 🙊 Kaya kunwari nagpapakitang gilas. Mas malala pala talaga Sa dilawan itong @bongbongmarcos romualdez araneta group

Gee Ens:
Tambaloslos should resign as H. Speaker.

Ani & Brewed Cofi:
Ano na nangyari na sa Okada corruption na sangkot daw si Martin Romualdez?

erimo:
Yung pledges maaaring marami nga, pero yung trust ng investors ang mababa.
Yung pagkasangkot ni Romualdez sa Okada fiasco, isang rason na wala lalong magtitiwala. Bukod pa sa BAD record ng pamilyang Marcos.

Dodie:
Romualdez can’t hold a grudge against SWOH in spite of the tambaloslos remark. She has an ace up her sleeve. Remember that big bulk of luggage? It’s not widely covered but it’s about Okada. It’s like a “protect me and I will protect you” arrangement. When will this end?

Jack O. Trade:
Fight news blackout! Let’s always talk about these politician*s cases! Martin Romualdez has a case related to Okada!

285

Related posts

Leave a Comment