PARKE SA BILIBID BINUKSAN

SA temang “Bilangguan man ay Paraiso sa Patakarang Maka-Diyos at Makatao,” pinangunahan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang iba pang opisyal ng BuCor sa ribbon-cutting ceremony upang ipagdiwang ang pagbubukas ng visitor’s park sa loob ng Maximum Security Camp ng Bagong Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang 5,000 metro kuwadrado na parke ay isang open space na may palaruan ng mga bata at mga kubo ng nipa upang mapagbigyan ang mga bata at kamag-anak ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan na bumisita sa kanilang mga nakakulong na mahal sa buhay.

Ang parke na halos apat na buwan nang ginagawa ay nagtatampok din ng mga comfort room para sa lalaki at babae, ani NBP Supt. Sabi ni Roger Boncales.

104

Related posts

Leave a Comment