Patutsada ni Roque sa DOTr FUEL SUBSIDY ‘WAG IPAGAMIT SA PAG-EPAL NI ROMUALDEZ

PINATUTSADAHAN ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang Department of Transportation (DOTr) dahil hindi pa rin ipinamamahagi sa mga tricycle at delivery drivers ang fuel subsidy.

Pinost sa X ang pahayag ng dating tagapagsalita ng nakaraang administrasyon na nagsasabing :

“Palakpakan natin ang DOTr sa panibago bilang kapalpakan. Hindi lang sa airport, hindi lang sa kawalan ng lisensya at ng plaka, pati yung mga ayuda na hindi pinamimigay. Yan ang bagong Pilipinas, mabuhay ka, Sec. Bautista, ang galing-galing mo. Anim na buwan na halos ang nakalipas matapos ma-approve ang budget, anong inaantay mo dyan? Ano ba yan, ipamimigay mo ang ayuda? Inaantay mo ba na si Speaker ang mamigay niyan para maka-epal si Speaker? Meanwhile pinababayaan mo magdusa yung mga tricycle driver?”

Sumagot naman ang ilang netizens sa pahayag ni Roque.

“Bautista will smile all the problems away. you cant beat his positive smile and positive vibes. just wait and see the positive impact of his smile on the all of the problems”

“e2 nmn isa n2 klamo lhat nlng puro palpak ang admint n bbm wala k ng pakialam dun roque wala k ng s gobyerno kya wg kang masyadong mapapel bkit porket hindi k lng nkpwesto ky bbm kng dumaldaldak k lhat nlng Mali ang gobyerno n bbm pro noon kng sumipsip k ky bbm gnon2 nlng db”

“Mas grabeng kapalpakan naman yong DOTr sa panahon nyo mapaghigante pa tulad ginawa nyo sa Dalian Trains.”

Oktubre noong isang taon nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paikliin ang “trigger period” at gawing simple ang requirements para sa pagpapalabas ng fuel subsidies.

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Marcos kay Energy Secretary Raphael Lotilla habang isinasagawa ang pagrebisa sa mga hakbang na magpapagaan para sa mataas na fuel process sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Sinabi pa ni Lotilla na ang panukala ng Executive Department sa Kongreso ay maglaan ng P2.5 bilyon sa probisyon ng fuel subsidies para ngayong 2024.

46

Related posts

Leave a Comment