PH SALT INDUSTRY ACT PIRMADO NA NI MARCOS

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong palakasin at muling pasiglahin ang industriya ng asin sa Pilipinas.

Sa 23 pahina ng naturang batas na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 11, nakasaad na ang tamang teknolohiya at pagsasaliksik at sapat na pinansyal, produksyon, marketing at iba pang support services ay ibibigay sa salt farmers para pasiglahin ang salt industry, matamo ang mataas na produksyon at makamit ang salt-sufficiency at maging susunod na exporter ng asin ang bansa.

Minamandato rin ng RA 11985 ang pagtatatag ng five-year roadmap na naglalayon palakasin at gawing modernisado ang industriya ng asin, na nakahanay sa nilalayon at patuloy na implementasyon ng RA 8172, o An Act for Salt Iodization Nationwide.

Bubuo naman ng Salt Council upang masiguro ang pinag-isa at pinagsama-samang implementasyon ng salt roadmap at pabilisin ang modernisasyon at industriyalisasyon ng Philippine salt industry.

Tatayong chairman ng Council ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Samantala, ang mga kinatawan mula sa kooperatiba ay pipiliin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa limang nominado mula sa Luzon at tatlo mula sa Visayas at Mindanao.

Ang Philippine Salt Industry Development Act ay itinala bilang “priority measure” ng Pangulo sa pamamagitan ng Legislative Executive Development Advisory Council.

Magiging epektibo ito, 15 araw matapos ang kumpletong publikasyon sa Official Gazette, o sa dalawang pahayagan na may general circulation.

(CHRISTIAN DALE)

32

Related posts

Leave a Comment