PH-US PINALAKAS UGNAYAN LABAN SA FOREIGN INFO MANIPULATION

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang ugnayan laban sa false foreign narratives, saklaw ang lahat ng uri ng disinformation.

Nabuo ang commitment sa idinaos na 11th US-Philippine Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa hanay ng mga senior Filipino at American government officials mula Abril 22 hanggang 23 sa Washington D.C.

Sa ilalim ng category ng “expanding the breadth of Philippines-US partnership” ang dalawang panig ay “committed in 2024” na palalimin pa ang kolaborasyon ukol sa “countering foreign information manipulation”.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang partnership ay partikular na makatutulong para labanan ang salaysay na ang Maynila ang siyang pinagmumulan ng tensiyon lalo na’t kapag iginigiit nito ang karapatan sa South China Sea.

“Obviously, the false narratives, every time something happens in the West Philippine Sea, China would say we’re putting up an aggressive behavior,” ayon kay Romualdez.

Tinukoy naman ng State Department’s Global Engagement Center, tinalakay ang propaganda at disinformation, ang foreign information manipulation bilang pagsisikap ng foreign state para i-promote ang “biased information”.

Sa 2023 report, inuugnay nito ang term o ang katawagan sa Tsina, sabay sabing “the country do so by suppressing “critical information that contradicts its desired narratives” on issues such as the South China Sea.”

Winika ni Romualdez na ang kolaborasyon ay maaaring maging kontra -pahayag na nagsusulsol ang Estados Unidos ng “proxy war” sa pagitan ng Maynila at Beijing.

Sa nasabi pa ring miting, inalala ng magkabilang panig ang ilang natatanging kaganapan sa nakalipas na taon gaya ng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden; ang joint 2+2 State at Defense Ministerial Dialogue; isang US Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas at ang makasaysayang trilateral leaders’ summit sa Japan, bukod sa iba pa.

(CHRISTIAN DALE)

44

Related posts

Leave a Comment