Pilipinas lubog pa rin sa utang ‘MARCOS VLOGGERS’ SUPALPAL SA SOCMED

KONTI na lang, bayad na ang Pilipinas sa utang.

Iyan ang ikinakalat ngayon sa social media partikular sa TikTok ng mga sinasabing ‘admin vlogger’ na may pahabol na “Proud of you Mr. President BBM!”

Gayunman, nasupalpal ang mga ito nang maglabas ng paglilinaw ang dating Undersecretary ng Department of Finance (DOF) na si Cielo Magno na sinang-ayunan naman ng nakararaming netizens.

Ayon kay Magno, misleading ang ikinakalat na balita na halos nabayaran na ng gobyerno ang utang ng bansa noong 2023.

Paglilinaw ni Magno, ang tinutukoy na programmed debt ng DOF ay ang principal na utang at interes na kailangan nang bayaran sa taong 2023.

Bagaman good news aniya na halos 95% ng utang sa nasabing taon ang nabayaran ay hindi nangangahulugan na
wala nang utang ang Pilipinas.

Katunayan, ayon aniya sa Treasury Department, as of the end of October 2023, nasa P14.48 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas na mas lumaki sa nakaraang 2022.

Kasabay nito ay nag-Tweet si Magno bilang sagot pa rin sa ikinakalat na balita.

Cielo Magno:

Ayan ha, hindi pa bayad ang lahat ng utang ng Pilipinas. From P13.4trillion in 2022 to P14.62 trillion expected debt by end of 2023.
Narito naman ang iba pang reaksyon ng mga netizen mula sa X:

Amianan:

Aw! sinusugarcoat lang talaga ng mga Pulangot at ensaymada para very good news ang dating

Bella:

Juan dela Cruz, LUBOG KA PA RIN SA UTANG!!

BernVan:

If there is one thing that this government is good at, it is MANAGEMENT BY ILLUSION.

DAVAOMIGRANT:

Hindi yata nabanggit ng ILOKANANG si Madam Angelique Lazo kung Magkano ang KABUUANG UTANG ng bansa. She should have pointed out the those payments made consist of due and demandable amortization for 2023 ALONE! Hindi nga 100% eh. PROUD ma agad? Ang BABAW nyo mga TANGA!

Mixed Nuts:

Supporters of the uniteam na uto naman . Na dala sa PR statement . Katulad ng statement na sama sama tayo babangon muli. Hangang slogan lang kasi yun. Dapat mag analyze naman kasi.

Mel:

Clear explanation. Lagi nyong niloloko mga tao eh. Buti na lang may mga tao na katulad ni Prof. Cielo na nagpapaliwanag sa atinm

Adel:

Anong nangyari sa pangako ni Marcos Jr at Sara Duterte na “sama-sama tayong babangon muli”?
Sa laki ng halaga ng ating utang at ang mabilis na pagtataas nito, parang sama-sama tayong ibabaon sa matinding kahirapan at ilulubog sa kumunoy.
TRAPO at gahaman ang mga namumuno!

marky:
Wala na. Kahit pasakop pa tayo sa ibang bansa, hindi na natin kakayanin bayaran ang inutang nila para sa sarili nila. Dapat kasi b_ t_y sa mga mapapatunayang nagnakaw sa kaban maliit man o malaki.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

253

Related posts

Leave a Comment