PNP HINIMOK MAGING NEUTRAL SA MAY POLLS

NANAWAGAN si ACT-CIS at Benguet Caretaker Eric Yap sa Philippine National Police (PNP) na maging “neutral” o walang kinikilingang political groups ngayong halalan.

Sa isang radio interview, sinabi ni Cong. Yap,” may mga balita at sumbong na rin ang nakakarating sa amin na tila may pinapaborang grupo ang ilang provincial commanders at chiefs of police sa mga lalawigan.”

“Pag pinagbigyan ang isang grupo na mag-rally sa isang lugar, dapat payagan din ng mga hepe natin yung kabilang partido,” ani Yap.

Dagdag pa ng Chairman ng committee on appropriations ng Kongreso, ” malinaw ang utos sa itaas na maging apolitical sila. Kaya marapat lamang na wag sila pumanig kahit kanino…kahit incumbent pa yan”.

Paliwanag ni Yap,” may mga sumbong kasi na tila ayaw payagan ng ilang incumbent governor o mayor na mag-rally ang kanilang kalaban sa balwarte nila”.

Pahabol ni Yap, dapat talagang hindi magpagamit ang PNP sa mga politiko dahil labag din ito sa kanilang mandato.

99

Related posts

Leave a Comment