PROGRESIBONG PARTIDO ILULUNSAD SA SABADO

LUMAGDA si Ric Serrano, chairman emeritus ng POLPhil (nakasalamin), sa isang pangakong pagsuporta sa pangmatagalang kapayapaan nang inilunsad kamakailan ng POLPhil ang National Peace Advocates Summit sa Lungsod Quezon.

PORMAL nang itatatag sa Sabado, Pebrero 10, ang People’s Progressive Humanist Liberal Party o PolPHIL bilang isang progresibong partidong pampulitika na mangangahas makatunggali ang mga tradisyunal at political dynasties na nangingibabaw sa larangan ng pulitika sa bawat bayan, lalawigan at rehiyon ng bansa.

Layunin ng PolPHIL na wakasan ang pamamayani ng tradisyunal na politiko na namamayagpag sa loob ng ilang dekada sa lokal at pambansang pamahalaan.

Ayon kay Ric Serrano, chairman emeritus ng POLPhil, layunin din ng partidong PolPHIL na mapalakas ang tunay na boses ng mamamayan, bigyang pansin ang kanilang kapakanan at alalahanin sa larangan ng mga desisyong pampulitika at pambatasan.

“Layunin ang aktibong partisipasyon sa mga programa ng gobyerno at pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo para sa ating mga kababayan,” sabi ni Serrano.

Ang inagurasyon ay gaganapin sa UP Bahay ng Alumni sa University of the Philippines campus, Diliman, Quezon City sa Sabado. Inaasahang dadaluhan ito ng mga kinatawan mula sa sektor ng transportasyon, manggagawa, magsasaka, kabataan, akademya, opisyal ng gobyerno, mga dating rebelde at sundalo, solong magulang at lider ng maralitang lungsod.

Ang PolPHIL party ay inisyatiba ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), isang organisasyon ng kasalukuyan at dating mga punong kawani (chiefs of staff) sa iba’t ibang antas ng gobyerno, development workers, environmental advocates at nation builders na pawang determinadong magdala ng pagbabago sa takbo ng lokal at pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng POLPhil Political Institute, Enterprise Development Program at Good Governance Programs.

100

Related posts

Leave a Comment