Publiko dismayado kay Sen. Bato BBM TOTOONG NASA PRE-OPS NG PDEA – FORMER AGENT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DISMAYADO ang mga netizen kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa dahil tumutok ang pagdinig nito sa Senado sa nag-leak na pre-operation report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa halip alamin ang katotohanan sa alegasyong gumamit ng ilegal na droga si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay kahit pa pinatotohanan ng dating PDEA agent ang pre-ops report.

Nauna nang pinanindigan ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales ang dokumento, katunayan ay siya mismo aniya ang nakapirma roon.

Sa pagdinig noong Martes ng Senate committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa, napikon ang senador matapos malaman na binatikos siya ng vlogger na si Maharlika dahil sa pagiging biased at tinanong kung binayaran siya ni First Lady Liza Marcos.

Ayon kay Dela Rosa, nananatiling deadlock ang pagberipika sa mga kumalat na classified document.

“That’s official statement coming from PDEA, so who am I not to believe PDEA? At ito naman si Morales na nagsasabi na siya ang gumawa ng papeles na ‘yan na andun na kay Maharlika at kumalat na sa social media ay hindi ko rin pwede sabihin na hindi totoo ang sinabi niya kasi andyan naman talaga ‘yung dokumento,” aniya.

Sa isang panayam kay Morales, sinabi nito na siya ang team leader na nasa likod ng pre-operation report, order letter at authority to operate para hulihin ang artistang si Maricel Soriano at noo’y Sen. Ferdinand Marcos Jr. dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Hindi aniya natuloy ang operasyon dahil mayroong pumigil ngunit tumanggi itong pangalanan dahil na rin sa gagawing imbestigasyon ng Senado.

Bago ito, ibinunyag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa drug watchlist ng PDEA si Marcos Jr. noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Agad naman itong itinanggi ng PDEA.

69

Related posts

Leave a Comment