PURA LUKA VEGA MULING INARESTO

MULING inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang kontrobersyal na si Pura Luka Vega sa panulukan ng Rizal Avenue at San Lazaro St., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat ni Police Major Billy Ray S. Canagan, ng Intelligence and Warrant Section, bandang alas-4:30 ng hapon nang arestuhin si Vega o si Amadeus Magallanes Pagente sa tunay na buhay, tinaguriang no. 1 most wanted person, district level, dahil sa kasong “Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (RPC Art. 201 as amended by PD 960 and PD 969) par. (2) (B) (3), in relation to Sec. 6 of RA 10175.

Inirekomenda kay Vega na maglagak ng P360,000 halaga ng piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Si Vega ay unang inaresto noong Oktubre 2023 sa kaparehong kaso ngunit pansamantalang nakalaya nang maglagak ng piyansa.

(RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment