SECURITY GUARD PATAY SA DUMP TRUCK

CAVITE – Patay ang isang security guard nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang dump truck habang nagdidiskarga ng buhangin sa Gen. Trias City sa lalawigan, noong Huwebes ng madaling araw.

Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Joebert”, 37, security guard, ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Kinilala naman ang driver ng isang Shaanxi X3000 dump truck na si alyas “Christian”, 28 ng San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:12 ng madaling araw, nakatigil ang minamanehong dump truck ng driver na si Christian sa C.M. Delos Reyes, Biclatan, Gen. Trias City.

Minamaneho naman ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang nasabi ring lugar, nang mabangga nito ang dump truck na nagdidiskarga ng buhangin.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.

(SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment