QUIBOLOY PINA-CONTEMPT NA RIN SA KAMARA

TULAD ng inaasahan, hindi dumalo sa pagdinig ng House committee on legislative franchises si Pastor Apollo Quiboloy kaya tuluyan na itong pinatawan ng contempt at nakatakdang isyuhan ng arrest warrant.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, kinatigan ng mayorya sa mga miyembro ang motion to contempt ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

“By the fact that he is not appearing in this hearing, in this committee just shows he’s no respect on this committee. It just shows that he acts like god, he acts with impunity, he takes this hearing for granted,” ani Pimentel.

Ayon sa mambabatas, malinaw na walang plano si Quiboloy na dumalo sa pagdinig hinggil sa paglabag umano sa prangkisa sa Swara Sug Media Corporation na siyang ginagamit ng Sonshine Media Network International (SMNI).

“Therefor Mr. chair, it is our obligation to show these people who takes this committee for granted the sanction that could be meted in our House Rules. Therefore Mr. Chair I move to cite for contempt Pastor Quiboloy,” ayon pa kay Pimentel.

Agad namang iminungkahi ni Abang Lingkod party-list Rep. Caraps Paduano na pakinggan muna ang abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio kung saan sinabi ng huli na walang dahilan para dumalo ang kanyang kliyente sa nasabing pagdinig dahil apat na taon na umano itong walang kinalaman sa operasyon ng SMNI.

Matapos ang higit isang oras na pagtatalo sa pagitan ng mga kongresista at Topacio, isinalang na ni Tambunting sa botohan ang mosyon ni Pimentel.

“There’s a motion (to cite in contempt) and secondly seconded. Any objections? The chairman hearing no objection, on a unanimous votes Pastor Quiboloy is cited for contempt,” deklarasyon ni Tambunting.

Base sa proseso, lahat ng mga nako-contempt na present sa pagdinig ay agad dinadala sa kulungan sa Kongreso habang ang mga wala ay iisyuhan ng warrant of arrest.

Samantala, sa hiwalay na mosyon ni Paduano na inaprubahan sa komite, inaatasan ang House Sgt-at-arms na makipag-ungayan sa Philippine National Police (PNP) para arestuhin at dalhin sa Kamara si Quiboloy.

(BERNARD TAGUINOD)

48

Related posts

Leave a Comment