RAPE SUSPECT NASILO SA ANTIPOLO

NASILO sa Antipolo City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 42 anyos na construction worker na may kasong rape at act of lasciviousness sa Pasig City, noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Alvin Magno, binata ng Victorino Extension, Pasig City.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip ang suspek makaraang matunton sa Antipolo City.

Halos anim na taon umanong nagtago ang suspek sa lungsod hanggang inguso ng isang police asset ang kinaroroonan nito.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Florian Gregory D. Abalajon ng Regional Trial Court, Branch 261 ng Pasig City.

(RENE CRISOSTOMO)

86

Related posts

Leave a Comment