TINOTOO ni Philippine National police chief Police General Benjamin Acorda ang pahayag na walang kapatawaran ang pagpapakalat ng malisyosong isyu hinggil sa umano’y banta ng destabilisasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan kinaladkad ang pangalan niya at ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner.
Ito ay nang pormal na maghain ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office si Gen. Acorda Jr., laban sa dating heneral na ngayon ay vlogger na kinilalang si Johnny Lacsamana Macanas, bunsod ng mapanirang post sa social media.
Kinumpirma ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar na isang Retired Army officer si Macanas na sinampahan ni Acorda ng kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code as amended by RA 10591 in Relation to Section 6 of the Cybercrime Law.
Si Macanas na dating spokesman Army’s 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan de Oro City at naging pinuno rin ng AFP Reserve Command ng Philippine Army, ang may-ari ng YouTube page na “The Generals Opinion” at nag-post na kinakausap na raw nina Acorda at Brawner si Pangulong Marcos Jr. para bumaba sa pwesto.
(JESSE KABEL RUIZ)
197