RIDER PATAY SA BUNDOL NG COMMUTER VAN

BATANGAS – Patay ang isang construction worker nang mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng isang commuter van sa Barangay Payapa Ibaba, sa bayan ng Lemery, sa lalawigan noong Lunes ng hapon,

Ang biktima ay kinilalang si Roderick Tagom, 45, residente ng Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report, dakong alas-5:00 ng hapon, galing sa isang farm (Leisure Farm) ang biktima at palabas ng Ramon Diokno Highway at patungong Tagaytay nang makasalpukan nito ang paparating na Toyota HI-ACE commuter van na minamaneho ng 43-anyos na si Joel Panganiban.

Sa lakas ng pagkasalpok, grabeng napinsala sa ulo at katawan ng biktima.

Isinugod ito sa Batangas Provincial Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Nakatakda namang mag-usap ang magkabilang panig para sa posibleng amicable settlement sa nangyaring insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment