SAHOD NG BSP OFFICIALS SAMPAL SA MGA OBRERO, GURO

NAKAEESKANDALO at sampal sa mga manggagawa sa gobyerno lalo na sa public school teachers ang milyun-milyong pisong sahod ng mga opisyales ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ganito ang paglalarawan ni House deputy minority leader France Castro matapos ilabas ng Commission on Audit (COA) na ang pinakamataas na sahod sa gobyerno ay si BSP Gov. Eli Remolona Jr., na umaabot sa P35.48 million.

“It is utterly unacceptable that BSP Governor Eli Remolona Jr. takes home a net pay of P35.48 million, while our teachers are forced to live on a meager salary that is way below the poverty line,” ani Castro.

Sa ngayon ay P402,000 kada taon ang sahod ng isang Teacher 1 dahil mahigit P22,000 lamang ang buwanang sahod ng mga ito habang ang entry level sa pinamakababang empleyado ng gobyerno ay P11,551 o katumbas ng P206,000 kada taon.

“Ito ay 88X ng suweldo ng guro o 172X ng sweldo ng empleyado. Nakakaeskandalo sa mga karaniwang guro at kawani ang ganitong mga suweldo samantalang sila ay hirap na hirap pagkasyahin ang kanilang sahod,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, muling umapela ang mambabatas sa gobyerno na iprayoridad ang kanilang panukala na itaas sa P50,000 ang entry -level pay sa nagtuturo, hindi lamang sa mga eskuwelahan sa gobyerno kundi maging sa pribadong paaralan.

Kailangang maitaas din aniya sa P33,000 ang buwanang sahod ng mga baguhang empleyado ng gobyerno lalo na ang mga Salary Grade 1 employees, at instructor sa state colleges and universities.

Ganito rin halaga ang nais ng grupo ni Castro na maging national minimum wage sa pribadong sektor.

(BERNARD TAGUINOD)

49

Related posts

Leave a Comment