SEXUAL ASSAULT SUSPECT TIMBOG

SYUT sa selda ang isang top 10 most wanted person sa kasong sexual assault, makaraang arestuhin ng mga tauhan ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT) sa Barangay 770, Zone 84, Sta. Ana, Manila noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Stephen Peru, 31, binata, residente ng Sta. Ana, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DID-SMaRT, bandang alas-2:20 ng hapon ang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial Court , Branch 29, ng Manila, dahil sa kasong sexual assault.

Ang suspek ay inirekomendang maglagak ng P200,000 halaga ng piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

(RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment