SOCIALIZED HOUSING NG MARCOS ADMIN HINDI PANGMAHIRAP

LALONG hindi kakayanin ng mahihirap na pamilya na magkaroon ng sariling bahay dahil imbes ibaba ang presyo ng socialized housing ay tinataasan pa ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pagdinig ng House committee on housing and urban development, kinuwestiyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang Joint Memorandum Circular No. 2023-003 ng Department of Housing and Urban Development (DHSUD) at National Economic and Development Authority (NEDA) na nagtataas sa presyo ng socialized housing.

Mula sa kasalukuyang P1.7 na price ceiling magiging P2.5 million na ito matapos ikatwiran ng dalawang ahensya na ang dating presyo ay itinakda pa noong 2015 bukod sa nagtaasan na ang halaga ng construction materials.

“Despite the country’s significant housing backlog of 6.5 million, the 2024 National Budget allocated zero funds for housing production. The increase in the price ceiling from 1.7 million to 2.5 million will result in higher monthly fees for beneficiaries. Who will benefit from this? Clearly, not the beneficiaries,” ani Brosas.

Bukod sa itinaas ang price ceiling, nag-isyu din ang DHSUD ng hiwalay na Department Order para bigyan ng karagdagang insentibo ang mga developer na sasali sa housing program ng gobyerno.

“What is the purpose of these incentives if the poor can’t even avail the government housing program because of the increase in its price?,” tanong ng mambabatas.

“The Urban Development and Housing Act already provided so many tax incentives to developers. Kikita na nga sila sa pagtaas ng price ceiling, gusto pa ng mas maraming incentives,” dagdag pa nito.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas na bawiin ang department orders na ito at sa halip ay pondohan ang housing projects dahil habang tumatagal ay dumarami ang mga pamilyang walang matirhan.

Hindi aniya dapat ipaubaya sa pribadong developers ang pagtatayo ng mga socialized housing dahil pagkakakitaan lamang nila ito.

(BERNARD TAGUINOD)

58

Related posts

Leave a Comment