SURIGAO NIYANIG NG MAGNITUDE 7.4 LINDOL

AGAD itinaaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa blue alert ang kanilang puwersa kasunod ng magnitude 7.4 earthquake na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur, Sabado ng gabi.

Sinasabing lumikha rin ng tsunami ang nasabing lindol na bagama’t maliit lang ay umabot hanggang Japan.

“All NDRRMC member-agencies and RDRRMCs are required to continue monitoring their respective AORs and send updates to the NDRRMOC through the NDRRMC Monitoring Dashboard,” ayon sa inilabas na memorandum.

Inatasan din ni Assistant Secretary Hernando Caraig, Jr., Civil Defense Deputy Administrator for Operations, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police na magtalaga ng mga duty officer sa NDRRMC Operations Center (NDRRMC) para mapabilis ang koordinasyon at makatulong sa mga ginagawang paghahanda.

Naka-red alert naman ang Office of Civil Defense (OCD) sa Davao Region at Caraga kung saan naroroon ang Surigao del Sur at patuloy na nagsasagawa ng damage assessment.

Kahapon ng umaga, inalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Tsunami warning.

Tumama ang lindol bandang 11:37 ng gabi at natunton ang origin nito may 32.8 kilometers ang lalim, ayon sa U.S. Geological Survey.

Sinundan ito ng 6.1 magnitude earthquake alas-12:03 Linggo ng madaling araw.

(JESSE KABEL RUIZ)

150

Related posts

Leave a Comment